Tuesday, May 3, 2011

Panimula: Isang Pagpapakilala

Hindi naman talaga ako writer. Hindi naman talaga ako mahilig magsulat. Pero sa dami ng mga istorya na nakita sa internet tungkol sa mga experiences ng iba’t ibang lalaki sa sex sa kapwa lalaki, na-engganyo akong magsulat ng mga kwento na tumatalakay sa kaparehong paksa. Minsan ko na ring pinag-jakulan ang mga istoryang ito. At ngayon, mas nais kong palawakin ang koleksyon ng mga ganitong klaseng istorya sa pamamagitan ng blog na ito.

Dito sa aking blog ay magsasaad ako ng iba’t ibang karanasan ko sa sex sa kapwa lalaki. Ang iba ay hango sa tunay kong karanasan, ang iba naman ay binuo (o bubuuin) ko sa aking malikot na isipan. Ano pa bang kahalagahan kung fiction ito o non-fiction? Ang importante ay mapaligaya natin ang ating mga sarili sa pagbabasa ng mga karanasan ng isang karakter sa kanyang kapwa lalaki – minsan, hindi lang para makaraos sa nararamdamang kalibugan, kung hindi para makakuha din ng ilang tips kung papaano tayo didiskarte sa mga trip nating lalaki na ating nakikita kung saan-saan.

Pangunahing layunin ko sa paggawa ng blog na ito ay mailabas ang aking pagkatao sa pamamagitan ng internet at pagsusulat. Hindi ako ganun ka-“out” pero halos lahat na yata ng kaibigan ko, alam na bading ako. Wala akong pake. Ang importante, wala akong inaapakang tao. Kinatatakutan ko lang na maapektuhan ang aking trabaho/pag-aaral at relasyon sa ibang kapamilya. Oo, hindi alam ng pamilya ko na ako ay bading. Pero alam ko na alam naman nila dahil pansin nila ito sa aking kilos, hindi lang napag-uusapan. ‘Yan nga pala ang isa sa mga prinsipyo ko sa buhay. Hindi kailangan na i-broadcast pa sa lahat na: “Ako ay bading.” Alam ko naman na alam nila, wala lang naglalakas ng loob na tanungin ako/tayo. Siguro dala na rin ng respeto nila sa atin. Lagi kong sinasabi sa aking sarili na kung tatanungin nila ako o ng kung sinumang tao, sasabihin ko naman na bading ako. Walang problema doon.

Mula dito, nais kong pormal na ipakilala ang aking sarili. Ako si Enzo Asuncion (hindi tunay na pangalan). Nasa aking early 20s. Mula ako sa pamilyang may-kaya. Alam ng ama at ina ko na ako ay bading, hindi lang napag-uusapan. Pero minsan na rin nila akong pinagalitan at sinabihan na baguhin ko ang aking pagkatao – nguni’t hindi sila nagtagumpay. Ngayon, normal naman sa aming bahay. Nag-uusap kami at awkward lang kapag nagsasalita ang aking ama tungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin kapag ako ay nag-asawa na. Ako ay bading, hindi silahis. Medyo malamya ako kumilos pero lalaki pa rin manamit, lumakad, at magsalita (maliban na lamang kung ang mga kasama ko ay alam na ako ay bading). Hindi ako gumagamit ng gay lingo. Siguro, isa sa mga kaibahan ko sa ibang bading ay ang aking pananaw sa aking sexuality. Bading ako dahil sa lalaki lang ako umiibig, sa lalaki lang ako tinitigasan, at sa lalaki lang ako kinikilig. Nguni’t nais kong klaruhin sa lahat na hindi ako bading dahil nais ko maging babae. Kahit kalian ay hindi ko ninais magkaroon ng perlas at “boobs”. Masaya na ako sa aking hotdog at dalawang itlog. Talagang ang romantic love ko ay para lang sa lalaki.

Mula ngayon, payayabungin ko ang nilalaman ng blog na ito ng mga istoryang m2m. Kung minsan ay maaring magka-laman ito ng kung anu-anong bagay nguni’t ito ay kwento pa rin ng aking buhay. Sa mga komento at panlalait, mag-send lang kayo ng e-mail sa: enzo_asuncion@yahoo.com.ph.

Maraming salamat at maligayang pagbabasa!

P.S.: Ingatan ang keyboard at screen, baka matalsikan ng mga malalapot ninyong katas. :D

4 comments:

  1. ANG HINANAP KO NA STORY , YUNG D SINADYAN NA PAG TATALIK SA TUNAY NA LALAKI SA KAPWA LALAKI

    ReplyDelete
  2. nakakatuwa ka naman. well... pareho tayo ng outlook sa bagay na yun at pareho tayo ng gustong patunayan. sana makadaupang palad kita.

    ReplyDelete
  3. We have the same principle pagdating sa issue ng pagladlad. Alam kong alam ng mga tao sa paligid ko na bading ako but nobody dare confirm it. And i dont really care kung ano iisipin nila. Im older than you so i suggest u continue with that attitude boy. It works for up until now. So pwede magwork din sau yan. So goodluck boy(girl)!

    ReplyDelete